Miyembro ng ASTRO, tinamaan ng COVID!

Miyembro ng ASTRO, tinamaan ng COVID!

September 20, 2021 @ 11:15 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Inanunsyo ng Kpop group na ASTRO na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa miyembro nito na si JinJin.

Sa statement ng kanilang agency na Fantagio nitong Linggo, Setyembre 19 ay lumabas na kumpirmadong positibo sa virus ang isa sa miyembro matapos na magsagawa ng RT-PCR testing noong Sabado.

Naghihintay naman ng resulta ang dalawa iba pa na sina Moonbin at Sanha na itinuturing din na close contact ni JinJin.

“JinJin has entered self-quarantine at the behest of the disease control authorities and is waiting for guidance about further necessary measures,” sa nakuha namang anunsyo ng isang sikat na Korean news website. RNT


  •  
  •  
  •