Miyembro ng MILF patay sa pananambang

Miyembro ng MILF patay sa pananambang

October 11, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MAGUINDANAO- Patay ang isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kagabi sa Maguindanao Del Sur.

Kinilala ang biktimang si Thoks Angkupa, 45-anyos, miyembro ng 118th Base Command ng MILF at residente ng Sitio Bagurot Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Lieutenant Billy Fontanilla , hepe ng Datu Hoffer Ampatuan-PNP, naganap ang krimen sa Sitio Aliman, Barangay Tuayan Mother, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima angkay misis nito ng bigla itong pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan habang swerte naman hindi tinamaan ang kanyang misis.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito. Mary Anne Sapico