Miyembro ng NPA na inabandona ng mga kabaro sa MisOr, sinagip ng militar

Miyembro ng NPA na inabandona ng mga kabaro sa MisOr, sinagip ng militar

October 30, 2022 @ 3:20 PM 1 month ago


CAGAYAN DE ORO CITY- Sinagip ng tropa ng 58th Infantry Battalion (58IB) ng 4th Infantry Division ng Army ang isang komunistang rebelde, na iniwan ng mga kasamahan sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Sa ulat nitong Sabado, kinilala ng 58IB ang combatant na siJerry Bilohan, amiyembro ng Guerilla Front Huawei ng New People’s Army (NPA).

Naiulat ng residente ng Barangay Pigsalohan sa 58IB troops na natagpuan si Bilohan, na nasugatan, sa Antayo River.

Sinabi ni Bilohan na kasunod ng pursuit operations ng 58IB, iniwan siya ng mga tumatakas na kabaro na nagbigay sa kanya ng P3,000.

Ang serye ng pursuit operations ng 58IB ay bahagi ng kampanya laban sa natitirang NPA forces sa Misamis Oriental.

Dalawang NPA rebels ang napatay sa nakaraang engkwentro.

Sinabi ni Lt. Col. Christian Uy, 58IB commander, na nakikipag-ugnayan ang mga residente sa Army sa anti-insurgency efforts.

“Again, I am calling the remaining members of communist groups to come down in peace, if you don’t want the same fate to happen to you. Given only an amount of PHP3,000 in exchange for your life? Think about it,” pahayag niya.

Dinala si Bilohan sa Misamis Oriental Provincial Hospital sa Gingoog City.

“We will always value human lives and will always uphold human rights,” ani Uy. RNT/SA