Miyembro ng pogi criminal group, naka-engkuwentro ng mga pulis

Miyembro ng pogi criminal group, naka-engkuwentro ng mga pulis

August 1, 2018 @ 11:23 AM 5 years ago


 

Laguna – Walang buhay na bumulagta ang isang miyembro ng POGI Criminal Group nang manlaban sa mga awtoridad makaraang salakayin ang tahanan nito sa bisa ng Search Warrant, kagabi sa Binan City.

Ang suspek na nagtamo ng tama ng bala sa katawan na nakilalang si Rolando Bugarin, nasa hustong gulang, member ng Pogi Criminal Group, residente ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report ni P/Supt. Ronan Clarraval Chief of Police ng Binan City PNP kay P/SSupt. John Kirby Kraft Provincial Director ng Laguna PNP ,dakong alas- 8:30 kagabi ng salakayin ang bahay ng suspek sa bisa ng Search Warrant for Violation of RA 9165 ( illegal drugs) nang makita ng suspek ang mga pulis ay   nagawa umano nitong paputukan ang mgamiyembro ng Binan City PNP.

Napag-alaman na napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

Samantala, bukod sa pagiging miyembro ng criminal group ng suspek ay nasa Drug Watchlist ito ng PNP.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang hindi pa matukoy na baril na umano ay pag-aari ng suspek at hindi pa mabatid na bilang ng hinihinalang Shabu ./ ELLEN APOSTOL