Miyembro ng ‘Selda Singko Drug’ group timbog

Miyembro ng ‘Selda Singko Drug’ group timbog

July 31, 2018 @ 7:19 PM 4 years ago


Dipolog City – Nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y hinihinalang miyembro ng Selda Singko Drug group sa isang buy bust operation sa Dipolog City nitong nakalipas na Hulyo 28, 2018 (Sabado).

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino kinilala ang nadakip na suspek na si Diouric Gonzales, alyas Ado, umano’y miyembro ng  Selda Singko Drug Group at kinokonsidera na high-value target ng mga awtoridad.

Nabatid sa PDEA dakong alas-10:30 ng gabi nitong nakalipas na Hulyo 28, 2018 nagsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office IX (PDEA RO IX) sa ilalim ni Director Laurefel Gabales, PNP Provincial Intelligence Branch at Dipolog City Police station sa Rizal Avenue, Central Barangay, Dipolog City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gonzales.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na mahigit kumulang sa 23 grams na mehamphetamine hydrochloride, o shabu, at may tinatayang halaga na  Php156,400, at the buy-bust money.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Santi Celario)