Miyembro ng sindikato tiklo sa lagpas P1M droga, boga

Miyembro ng sindikato tiklo sa lagpas P1M droga, boga

October 27, 2022 @ 11:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naunsyami ang tanghalian ng isang sinasabing miyembro ng sindikato ng droga nang dakpin makaraang inguso at mahulihan ng boga at lagpas sa P1 milyong halaga ng droga sa Navotas City.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Eduardo Monroy, 32, umano’y kasapi ng Saragoza drug group, na dinaluhong ng mga parak sa kanyang bahay sa Barangay Tangos North, ng lungsod 11:50 a.m. ng Miyerkules, Oktubre 26.

Hinalughog ang tahanan ng suspek sa bisa ng search warrant para sa iligal na droga na inisyu noong Oktubre 21, 22 ni Executive Judge Pedro T. Dabu ng Navotas Regional Trial Court Branch 286.

Nakumpiska sa suspek ang 150 gramo ng shabu na may halagang P1,020,000, nasa 120 gramo ng marijuana na may presyong P14,400, isang .45-caliber pistol, anim na bala, gunting, dalawang disposable lighters, kahong kahoy, kahon ng biskwit , cell phone, at P3,000 salapi. Merly Iral