Miyembro ni ‘Commander Robot’ nahuli sa Sulu

Miyembro ni ‘Commander Robot’ nahuli sa Sulu

September 14, 2022 @ 6:25 PM 3 weeks ago


SULU – Naaresto ng mga otoridad ang 67-taong gulang na miyembro o tagasunod ng yumaong lider ng grupong Abu Sayyaf Group na si “Commander Robot” sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Major William Maisog, hepe ng Sulu Criminal Investigation and Detection Group, ang suspek ay kinilalang si Mahari Aradji na 13 taon nang nagtatago.

Naaresto ng CIDG BASULTA sa pakikipagtulungan ng Special Action Force at mga operatiba si Aradji kasabay ng ‘Oplan Pagtugis’ at ‘Salikop’ sa operasyon ng mga ito sa Sitio Tugamot, Barangay Kajatian ng nabanggit na probinsya.

Mayroon itong dalawang murder case batay sa warrant na inilabas ng Sulu Regional Trial Court.

Dati nang nahuli si Aradji ngunit nakatakas sa Sulu Provincial Jail noong 2009.

Maliban dito, iniuugnay rin ang suspek na sangkot sa serye ng pandurukot at terrorist activities. RNT/JGC