MJ, sinabihang retokada, sinupalpal ang basher!

MJ, sinabihang retokada, sinupalpal ang basher!

November 26, 2022 @ 10:29 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Who says that beauty queens are not the type who’d lash back at their bashers?

Ibahin n’yo si Miss Universe Philippines 2014 Mary Jane or MJ Lastimosa na nakatikim ng resbak mula sa mapang-okray na basher.

Nag-ugat ito nang magpost si MJ ng video kung saan magkasama sila ng Mexican candidate sa Miss Earth 2022 na si Indira Perez Meneses.

Very noticeable ang pagkakahawig nila.

Pero may isang basher na nagmamaasim.

Comment ng basher named Cedric: “Retokada rin?”

Hindi ito pinalampas ni MJ na sumagot ng: “Oo, I can afford it!”

Dumepensa naman ang basher who replied na hindi naman daw niya kinukuwestyon kung afford o hindi ang magparetoke.

Alam naman daw nu’ng Cedric na may pagkukunang resources si MJ.

Doon na nagbalik-tanaw si MJ who in 2011 was bulllied for her body, pero na-address daw niya ito.

Aniya, may nagmungkahi pa raw na ipatapyas nito ang kanyang tadyang dahil maliit ang baywang niya.

Still, medyo off track ang sagot ni MJ sa basher on the retoke issue.

Pero sapat nang panonopla ang resbak niya na keri niyang gastusan ang pagpaparetoke, to which ay nanahimik na ang basher na tinawag pang “madam” ni MJ.

Eh, di nakatikim ang basher! Ronnie Carrasco III