Pinas makakukuha ng Pfizer COVID-19 sa mga susunod na linggo – envoy

March 5, 2021 @4:52 PM
Views:
6
Manila, Philippines – Sinabing makatatanggap ng COVID-19 shots ang Pilipinas mula sa US-based Pfizer sa pamamagitan ng vaccine-sharing COVAX Facility sa mga susunod na linggo, batay sa envoy.
“Medyo nagkaroon lang ng kaunting delay pero darating din daw,” lahad ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez.
“It’s supposed to be coming to the Philippines within the next couple of weeks.”
Hindi naman na naghayag si Romualdez ng detalye sa dahilan kung bakit ito na-delay.
“It takes time, but we’re not far behind, as some people think. We’re not far behind from many countries.”
“Sa totoo lang (in truth), we’re actually better off than many countries,” punto pa nito. RNT/FGDC
Online selling ng COVID test kits, bawal – FDA

March 5, 2021 @4:40 PM
Views:
11
Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na ipinagbabawal ang pagbebenta sa online ng coronavirus disease (COVID-19) test kits.
“These COVID-19 test kits with FDA special certification are strictly for medical professional use and not intended for personal use,” saad ng ahensya sa kalatas bilang 2021-0434.
“The FDA is mandated to protect the health and safety of the Filipino people by regulating the manufacture, importation, distribution, sale, offering for sale, advertisement, and promotion of health products including in-vitro diagnostic medical devices in the country,” batay sa FDA.
Inatasan na rin ni FDA Director General Rolando Enrique Domingo ang regional field offices at regulatory enforcement units ng ahensya na magsagawa ng monitoring sa online platforms. RNT/FGDC
78% ng PNP personnel handang magpabakuna vs. COVID – Eleazar

March 5, 2021 @4:29 PM
Views:
23
Manila, Philippines – Inihayag ng 78% ng 218,000 pulis na handa silang mabakunahan laban sa COVID-19, batay kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.
“As of now, 78% of all the PNP personnel are willing to be vaccinated,” saad ni Eleazar, Philippine National Police’s deputy chief for administration.
Kasalukuyang 800 PNP medical frontliners na ang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine.
Kasama naman sa prayoridad na maturukan ang medical officers at healthcare frontliners, personnel na aasiste sa Department of Health maging miyembro ng PNP Medical Reserve Force.
Kasama rin sa uunahing mabakunahan ang mga doktor na nakatalaga sa PNP General Hospital, quarantine facilities, at emergency treatment, batay naman kay PNP chief Police General Debold Sinas. RNT/FGDC
Kontaminasyon sa street foods pinag-aaralan na ng DOST-NRCP

March 5, 2021 @4:20 PM
Views:
26
Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP) na sinimulan na ang research study tungkol sa kontaminasyon ng street foods sa Eastern Visayas.
Ayon kay NRCP Executive Director Dr. Marieta Bañez Sumagaysay, nakatanggap sila ng proposal noong nakaraang taon.
“Ito naman ay sa street foods, titingnan nila kung ano ang contamination din sa street foods. Titingnan nila kung ano ang contamination din sa street foods sa isang probinsya sa Region 8. Mag-uumpisa pa lang po sa kanilang research,” saad nito.
Prayoridad aniya ng NRCP ang basic research sa food contaminants kasama na ang parasites at bacteria. RNT/FGDC
Panukalang magtatakda na ‘guilty’ agad ang isang drug suspect inalmahan ng solon

March 5, 2021 @4:11 PM
Views:
21