MM mayors ‘di kinonsulta sa pinaigsing physical distancing sa PUVs – Olivarez

MM mayors ‘di kinonsulta sa pinaigsing physical distancing sa PUVs – Olivarez

September 16, 2020 @ 12:57 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Walang naganap na konsultasyon mula sa Department of Transportation (DOTr) ang mga mayor ng National Capital Region (NCR) bago ang pag-iisyu ng guidelines  sa pagbabawas ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan, batay sa chairman ng Metro Manila Council (MMC).

“Alam po niyo sa aming discussion, nagtaka pa kami kasi hindi po nagkaroon ng proper consultation ‘yan with the 17 mayors at nagulat kami na biglang nilabas ‘yung guidelines na ‘yun na wala man lamang consultation dito sa ground, dito sa National Capital Region,” ani Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Sa kabila nito ay naniniwala pa rin ang MMC na kailangang mapanatili ang physical distancing.

Paliwanag ni Olivarez, dapat pag-aralan kung sapat na ang 0.75 metro.

“Pero definitely yung 0.5 saka ‘yung 0.3 palagay ko po kami pong 17 mayors, mag-oobject po kami doon,” punto nito.

“We have to open the economy but we should not compromise the health protocol at pangalagaan ‘yung kalusugan ng taumbayan.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...