MM nasa ilalim ng Alert Level 4 sa mataas na reproduction number, healthcare utilization

MM nasa ilalim ng Alert Level 4 sa mataas na reproduction number, healthcare utilization

September 15, 2021 @ 10:18 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na pinagbasehan ang pagsailalim ng Alert Level 4 sa National Capital Region ang high reproduction number at health-care utilization rate.

“Ang pinagbasehan ng ating DOH (Department of Health) ‘yung ating reproduction rate, pati ang health-care utilization ng ating mga hospital dito sa NCR,” saad nito sa panayam sa Teleradyo.

Kasalukuyang nasa 1.42 ang virus reproduction number o bilang ng infected single COVID-19 case, batay sa OCTA Research.

“Nasa 70 percent po ‘yung ating health-care utilization rate. Critical po ‘yan kaya po tayo Alert [Level] 4 sa buong Metro Manila,” lahad ni Olivarez.

Sa ilalim ng  Level 4, ang outdoor o al fresco dine-in service ay papayagan sa 30 percent capacity.

Malilimitado sa 10 porsyento ang dine-in service at fully vaccinated laban sa COVID-19. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •