MMA fighter arestado sa buy-bust operation; P2.8M marijuana, nakumpiska

MMA fighter arestado sa buy-bust operation; P2.8M marijuana, nakumpiska

January 18, 2021 @ 9:54 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

QUEZON CITY – Arestado ang isang mixed martial arts (MMA) fighter matapos mahulihan ng nasa 1.8 kilogram na kush marijuana na may street value na P2.8 million sa ikinasang  drug sting operation sa Cubao, Quezon City nitong nakaraang linggo.

Ayon sa PNP, ang nasakoteng suspek ay si Gary Espinar, 37, residente ng Lajoya Subdivision, Barangay Dila, Sta Rosa, Laguna.

Nalambat si Espinar ng pwersa mula sa Northern Police District- Drug Enforcement Unit (DEU).

Isiniwalat ng mga pulis na ang pagkakahuli sa MMA fighter ay bahagi ng follow-up operation na kanilang inilunsad  matapos ang isang suspek,  una nang nalambat ng mga pulis, ay inginuso  si Espinar bilang supplier.

Agad na nagsagawa ng follow-up buy-bust operation ang mga pulis na nauwi sa pagkakahuli ng MMA fighter na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal na droga.

Tumanggi magsalita sa media ang  MMA fighter na lumalaban sa Sherdog at may pro-record na 5  panalo at 5 talo.Rico Navarro


  •  
  •  
  •