MMA: Kelly wagi vs Faress

MMA: Kelly wagi vs Faress

May 29, 2021 @ 8:42 AM 2 years ago


SINGAPORE – Nagwagi ang pambato ng Team Lakay na si Edward Kelly matapos nitong bayuhin at bugbugin ang kalabang Egyptian na si Ahmed Faress sa ONE: Full Blast upang makuha ang panalo via decision.

Ginamit ni Kelly ang kanyang husay sa grappling at ibinalibag si Faress ng dalawang beses sa pre-recorded featherweight match nila na ginanap sa Singapore.

Nakilala matapos ang 21-second demolition nito kay Meas Meul, tinalo ni Kelly si Faress sa suntukan matapos kumonekta ng maraming body shots at counterpunches dahilan para katigan ito ng mga hurado.

Sa second round, nasalo pa ng Pinoy ang isang high kick ni Faress sabay buhat sa Egyptian at inihambalos ito sa mat, pero sa pagkakataon din iyon tinangka ni Faress na pasukuin si Kelly sa pamamagitan ng triangle choke at mabuti na lang at natakasan ng Pinoy ang atake upang malusutan ang round.

Dahil pagod na ang binti ni Faress matapos ang ginawang triangle choke attack, dito na sinamantala ni Kelly ang pagkakataon at inatake ang leg kicks at body shot ng kalaban sa 3rd round.

Ito ang unang panalo ni Kelly sa kanyang tatlong laban na nagsabing nalalapit na ang kanyang pagreretiro sa mixed martial arts. Rico Navarro