MMA:  Loman inihahanda ng Team Lakay vs Bibiano

MMA:  Loman inihahanda ng Team Lakay vs Bibiano

November 16, 2022 @ 7:39 AM 2 weeks ago


MANILA – Todo ang paghahanda nina fifth-ranked bantamweight contender Stephen Loman at dating bantam champion Kevin Belingon para sa kani-kanilang mga kalaban.

Sasagupain ni Loman si Bibiano “The Flash” Fernandes, habang sasalubungin ni Belingon si “The Fighting God” Kim Jae Woong sa bantamweight division sa dalawang kapana-panabik na salpukan sa ONE Fight Night 4: Abbasov vs. Lee sa Sabado ng umaga sa Singapore Indoor Stadium.

Dahil ilang beses na nakalaban ni Belingon si Fernandes, kaya ginagabayan nito ang kanyang nakababatang kasamahan sa pinakamalaking laban sa kanyang karera.

“For sure I’ve shared a lot of things with Stephen, things that I’ve experienced with Bibiano. I’ve given him some tips entering this match,” ani Belingon, na apat na beses na lumaban kay Fernandes.

“I think he has really prepared well and he’s at an advantage against Bibiano. Naging smooth ang training niya, solid ang preparation niya, so I expect great things.”

Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa kanyang teammate, pabiro ang sagot ni Loman.

“Sinabi niya sa akin na kaya kong talunin si Bibiano dahil matanda na siya,” natatawang sabi niya.JC