MMC maglalabas ng ‘enhanced mandate’ para sa mga bakunado vs COVID

MMC maglalabas ng ‘enhanced mandate’ para sa mga bakunado vs COVID

January 3, 2022 @ 8:35 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Pag-uusapan ng  Metro Manila Council ang “enhanced vaccination mandate” na magbibigay sa mga ‘fully vaccinated’ laban sa COVID-19 ng mobility at access privileges, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos.

Sinabi ni Abalos na tinututukan pa nila ang mga polisiya galing sa ibang bansa na maaari nilang i-adapt sa National Capital Region (NCR).

“Kasi nga tayo ang gateway eh, ‘yung mga ports, ‘yung ating airports. So dapat talaga maproteksyunan [with], of course, kasama na ating immediate na kapitbahay ang Bulacan, Laguna, Rizal, at Cavite,” dagdag pa ni Abalos.

“Ibig sabihin nitong enhanced vaccination mandate, kung bakunado ka, ano ‘yung mga karapatan mo pa na pwede kang umikot? In short, baka pwedeng tignan namin ‘yung mga pinagbabawal na batas, baka pwedeng as a matter of policy, ‘yung mga bakunado mas lalong bigyan natin ng puder, pakita nila ‘yung kanilang vaccine cards.” RNT/FGDC