MMC umaasa sa full implementation ng single ticketing system sa pagtatapos ng Abril

MMC umaasa sa full implementation ng single ticketing system sa pagtatapos ng Abril

March 15, 2023 @ 4:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Metro Manila Council President at San Juan Mayor Francis Zamora na handa na ang lahat ng Metro Mayors bago ang katapusan ng Abril para sa pagpapatupad ng “single ticketing system.”

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Zamora na siya ring itinalaga na bagong Regional Peace and Order Council of Metro Manila, very supportive ang 17 na alkalde sa Metro Manila at nakita aniya nito ang kagustuhan ng mga ito na maipatupad ito sa kanilang mga termino.

Sinabi ni Zamora na sa nakaraang dalawang linggo ay walo pa lamang sa mga alkalde ang handa sa implementasyon ng single ticketing system pero maaari aniyang mas marami na ngayon dahil maaring ang kanilang ordinansa ay hindi pa naaamyendahan.

Aniya, ngayong Miyerkules, Marso 15 ang deadline ng pag-amyenda ng ordinansa ng NCR LGUs kaugnay sa single ticketing system at sa Abril 30 ay inaasahan nang maipapatupad ito upang maging kumbinyente sa mamamayan lalo na sa mga umuuwi ng probinsya na nahuhuli sa Metro Manila.

Ayon kay Zamora, magkakaroon ng dry run pagkatapos ng Holy Week.

Ipinaliwanag din nito na maraming opsyon na magagamit pagdating sa single ticketing system dahil maari aniyang magbayad sa pamamagitan ng online banking ticketing platforms, digital online platforms o kaya ay ang tradisyonal na pagbabayad sa City Hall.

Pagdating naman sa halaga, mawawala na rin ang kalituhan dahil sa 20 common traffic violations na nadetermina ng technical working group.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ang multa sa 20 common violations ay papatak ng P500 hanggang P5,000 ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ipapatupad din ang ilang special laws tulad ng mga sumusunod:

*Seat belts use Act of 199

*Childrens safety on Motorcycle Act

*Anti-Distracted Driving Act

*Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Layon ng single ticketing system na magtatag ng pare-parehong patakaran sa traffic violations at penalty system sa Metro Manila.

Kabilang rito ang Caloocan, Malabon, Navotas, Quezon City, Pasig, Taguig, Makati, Manila, San Juan, Mandaluyong, Las Pinas, Paranaque, Pasay, Pateros at Muntinlupa. Jocelyn Tabangcura-Domenden