MMDA handa na sa post-holiday traffic sa Jan. 3

MMDA handa na sa post-holiday traffic sa Jan. 3

December 28, 2022 @ 6:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules na handa na ito para sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsada sa Metro Manila matapos ang holiday season. 

Sinabi ni Frisco San Juan Jr., deputy chairperson ng MMDA, na inaasahan nila ang mabigat na vehicle volume sa January 3, sa pagbabalik-operasyon ng mga opisina at paaralan kasunod ng Christmas holiday at long New Year weekend.

Idinagdag ni San Juan na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, at mga pribadong bus companies to upang tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko.

“Ang buhos ng sasakyan syempre sa darating na Martes sapagkat sa Lunes ay holiday po, walang pasok ang mga opisina ng pamahalaan. Simula naman ng pasok ng mga private companies at saka ibang mga eskwelahan ay magsisimula sa January 3,” pahayag ng opisyal.

“Nakahanda na tayo dyan dahil taon-taon yan ay pinaghahandaan,” patuloy niya.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na lumampas ang traffic volume sa EDSA sa pre-pandemic numbers nito, kung saan halos kalahating milyong sasakyan ang dumaraan dito kada araw. RNT/SA