Manila, Philippines – Iginiit ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umulan o umaraw ay itutuloy ang Metro Manila Shake Drill ngayong linggo.
Ang pahayag ay sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa ginanap na press briefing kahapon kung saan asahan umano ng mga motorista ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Kalakhang Maynila sa oras na gawin ang nasabing shake drill.
âRain or shine, tuloy ang Shake Drill,â ani Garcia sa kabila ng masamang panahon dulot ng Habagat na pinalakas ng bagyong Henry.
Ang pagdaraos ng Shake Drill sa gitna ng masamang panahon ay magbibigay ng pagkakataon sa MMDA at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRC) para mapaghandaan ang mga âworst-case scenarios.â
Nagbabala rin si Garcia na posibleng magdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila ang naturang shake drill.
Magkakaroon din umano ng ibaât ibang âstaged scenariosâ na gagawin ng mga local government units, pribadong sektor, paaralan, at mga establisyimento sa ibaât ibang bahagi ng Metro Manila.
âOras na marinig nila ang alarm, ang mga motoristang gustong makiisa sa shake drill ay maaaring huminto sa pagmamaneho kahit sa loob lamang ng isang minuto,â ani Garcia.
Sa kabila ng abalang maaaring idulot ng aktibidad, iginiit ni Garcia na layunin nitong pataasin ang âculture of awarenessâ o kahandaan ng publiko sa isang malakas na lindol o âThe Big Oneâ.
Hinimok din niya ang publiko na gamitin ang #MMShakeDrill sa mismong araw ng aktibidad.
Layunin ng shake drill na itaas pa ang antas ng kamalayan ng publiko sa magiging epekto ng 7.2 magnitude na lindol.
Magpapadala naman ng mensahe at magsasagawa ng emergency cell broadcast ang mga telecommunication networks sa kanilang mga subscribers sa mismong araw ng shake drill.
Hinihikayat din ang mga kompanya, simbahan, eskwelahan, at iba pang institusyon na gamitin ang kanilang kanya-kanyang alarma o sirena habang maglalabas naman ng alert ang mga istasyon ng radyo na magsisilbing signal sa pagsisimula ng drill.
Ide-deploy naman ng MMDA ang kanilang mga tauhan sa mga nakatakdang emergency operation centers sa apat na quadrant sa Metro Manila. (Jay Reyes)