MMDA magdaragdag ng pumping stations vs baha

MMDA magdaragdag ng pumping stations vs baha

December 28, 2022 @ 5:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules na magdaragdag ito ng pumping stations bilang bahagi ng flood control measures nito.

“Meron po tayong mga patuloy na pag-upgrade ng ating mga pumping stations. Nagpapalit po tayo ng mga makina na medyo kailangan na pong i-upgrade,” pahayag ni MMDA deputy chairperson Undersecretary Frisco San Juan Jr. sa televised public briefing.

“Meron pong pumping stations na maaaring itayo pa. Pinag-aaralan po ang bagong pumping station sa Tatalon, sa Araneta sa Quezon City,” dagdag niya.

Sinabi ng MMDA noong Agosto na ang hindi natapos na proyekto sa pumping stationang dahilan ng pagbaha sa ilang lugar sa Manila sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Bukod sa pagpapabuti ng pumping station systems, inihayag ni San Juan na nagsasagawa rin ang MMDA ng cleanup operations sa mga estero upang mapigilan ang pagbaha dahil sa pagbara ng mga basura. RNT/SA