MMDA magkakasa ng dry run ng single ticketing system sa Abril

MMDA magkakasa ng dry run ng single ticketing system sa Abril

March 2, 2023 @ 8:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang magsagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dry run para sa implementasyon ng single ticketing system sa una o ikalawang linggo ng Abril.

Sinabi ni MMDA acting chair Don Artes nitong Huwenes na naghayag ng kahandaan ang pitong local government units sa Metro Manila kabilang ang San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Manila, at Caloocan.

(Larawan kuha ni Danny Querubin)

“The single ticketing system across Metro Manila is nearing full implementation. There is a need to conduct a dry run to increase public awareness,” pahayag ni Artes sa Metro Manila Council (MMC) meeting  sa bagong head office ng MMDA sa Pasig City.

Magugunitang ini-adopt ngMetro Manila local chief executives ang single ticketing system sa pamamagitan ng Metro Manila Traffic Code of 2023, na naglalatag ng sistema ng interconnectivity sa government instrumentalities sa transport at traffic management sa metropolis na may iisang pamantayan ng multa at penalties.

Idinagdag ni Artes na bumalangkas ang Land Transportation Office ng memorandum of agreement (MOA) hinggil sa interconnectivity sa LGUs at data privacy agreement.

“LTO Chief Assistant Secretary Jay Art Tugade has committed to submit the MOA tomorrow,” patuloy niya.

(Larawan kuha ni Danny Querubin)

Binigyang-diin naman ni MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora ang kahalagahan ng single ticketing system.

“The implementation of the single ticketing system will highly benefit our motorists because they have the option to pay through online channels for their violations,” ani Zamora.

Sa ilalim ng single ticketing system, mas mapapadali para sa traffic violators sa National Capital Region na bayaran ang kanilang penalties na pwede sa Bayad Centers sa bansa o sa pamamagitan ng mobile apps.

(Larawan kuha ni Danny Querubin)

Dumalo sa nasabing pulong sina Mayors Vico Sotto of Pasig, Ruffy Biazon ng Muntinlupa, Weslie Gatchalian ng Valenzuela, Emi Calixto-Rubiano ng Pasay, Jeannie Sandoval ng Malabon, at Miguel Ponce III ng Pateros.

Sa mantala, sa gitng ng nakaambang weeklong transport strike, inihayag din ng MMDA chief ang posibilidad ng pagsuspinde sa Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme sa Marso 6.

“The MMDA will deploy buses to ferry stranded passengers should the transport strike push through next week. We shall coordinate with the Department of Transportation and Department of (the) Interior and Local Government on the matter. We will make an announcement regarding the possible suspension of the number coding scheme tomorrow, March 3,” ani Artes.

Ang transport strike na ikakasa sa Marso 6 hanggang Marso 12, ay ikinasa ng transportation groups para ihayag ang oposisyon sa public utility vehicle modernization program ng pamahalaan. RNT/SA