MMDA naghahanda na vs baha

MMDA naghahanda na vs baha

May 22, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Minamadali na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa mga estero at kanal para maiwasan ang pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Base kay MMDA General Manager Frisco San Juan, Jr. nitong Sabado, nililinis na ang mga daluyan ng tubig sa Kamaynilaan para masigurong hindi ito barado. 

“Iyong paglilinis ng ating mga drainage canal… tuloy po ang mga gawaing ito. In fact, kasama na rin po ang pagi-ikot ng ating mga engineer upang makita kung meron pang kailangang bigyan ng pansin,” pahayag niya. 

Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan, kasunod ng sunod-sunod na araw pagbuhos nitong linggo. RNT/SA