MMDA nagkasa ng clearing ops sa mga sementeryo sa Caloocan, Malabon

MMDA nagkasa ng clearing ops sa mga sementeryo sa Caloocan, Malabon

October 24, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes ng clearing operations sa mga daan patungo sa dalawang sementeryo sa Caloocan at Malabon bago sumapit ang Undas o All Saints’ Day.

Base sa ulat, nagkasa ang MMDA personnel ng clearing operations sa Tugatog Public Cemetery sa Malabon at Sangandaan Cemetery sa Caloocan.

Sinabi ni MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija na babantayan nila ang mga sementeryo araw-araw hanggang mag-Undas upang tiyakin na walang illegal parking at illegal vendors sa mga daan.

Sinimulan na rin nilang tanggalin ang mga sagabal sa sidewalks at pinaalis ang mga nagtitinda sa tabi ng daan.

Karamihan naman sa mga nasita ng law enforcers were ay dahil sa illegal parking. Pagmumultahin ng P1,000 ang mga lalabag.

Bukod sa mga sementeryo, sinabi ng MMDA na iinspeksyunin din nito ang bus terminals. IIpagpapatuloy din nito ang road clearing operations matapos ang holiday tupang makatulong sa mga babalik sa Metro Manila mula sa mga probinsya.

Samantala, gagamit ang Quezon City Police District (QCPD) ng drones upang bantayan ang sitwasyon sa limang sementeryo sa siyudad. 

Maglalaan ng dalawang drones kada sementeryo.

Ipapalabas naman ang footage ng drone cameras sa command center ng QCPD. RNT/SA