MMDA nagpadala ng tauhan sa Maguindanao

MMDA nagpadala ng tauhan sa Maguindanao

November 3, 2022 @ 11:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) onitong Huwebes na naghatid ito ng water purifiers sa Maguindanao matapos manalasa ng Severe Tropical Storm Paeng aat makaapekto sa water supply sa lugar.

Bukod dito, sinabi ni MMDA acting chairperson Romando Artes na tumulong din ang 28-man team nila sa road clearing sa lalawigan na binaha at gumuho ang lupa.

“The team will set up water purifiers in various communities with limited to no supply of clean water. Some will also help in the ongoing operations to clear the roads affected by massive flooding and landslides,” pahayag ni Artes.

Hindi bababa sa 40 units ng portable water purification systems, na kayang sumala ng 180 galon ng tubig kada oras, maging ilang materyales para sa road clearing operations ang dinala ng MMDA.

Base sa MMDA, magbibigay-tulong ang team sa lalawigan sa loob ng 15 araw sa pakikipag-ugnayan sa 6th Infantry Division ng Philippine Army.

Itinalaga ng MMDA dang team matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng government agencies na gawing prayoridad ang pagdadala ng suplay na  inuming tubig sa Paeng victims sa Maguindanao.

Hindi bababa sa 61 sa 122 reported fatalities dahil kay Paeng ang naitala sa Maguindanao, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules. RNT/SA