MMDA nagpakalat ng mas maraming traffic enforcers kasunod ng NCAP suspension

MMDA nagpakalat ng mas maraming traffic enforcers kasunod ng NCAP suspension

August 31, 2022 @ 1:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mas maraming traffic enforcers ang itinalaga sa mga lugar na nagpapatupad ng No Contact Apprehension Program (NCAP) kasunod ng suspensyon nito na ikinasa ng Supreme Court, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules.

Sinabi ni MMDA spokesperson Cris Saruca na dadagdagan ng ahensya ang bilang ng traffic enforcers sa major thoroughfares, kabilang ang EDSA, C5 Road, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, at Macapagal Boulevard.

“Lahat po ng merong CCTVs ng MMDA, nabanggit ko po kanina,  yung EDSA, C5, Commonwealth, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, at Macapagal Boulevard, dati po merong pinapatupad na NCAP diyan,” ani Saruca sa isang press briefing.

“Diyan po tayo magda-dagdag ng mga traffic enforcers para maipatupad ang ating traffic management,” dagdag niya.

Sinabi ni Saruca na mahigit 107,000 violations ang naitala ng MMDA mula Enero hanggang Agosto 2022 dahil sa NCAP policy.

Agad na sinuspinde ng MMDA ang NCAP policy matapos mag-isyu ng SC ng temporary restraining order nitong Miyerkules. RNT/SA