MMDA nakiisa sa Oplan Balik-Eskwela ng DepEd

MMDA nakiisa sa Oplan Balik-Eskwela ng DepEd

September 6, 2021 @ 11:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nag-ikot -ikot na sa iba’t ibang paaralan si Metropolitan Manila Development Authorit (MMDA) chair Benhur Abalos.

Bahagi pa rin ito ng Oplan Balik-Eskwela ng Department of Education sa darating na Setyembre 13.

Kaugnay naman sa ginawang aktibidad sa Oplan Balik Eskwela ng DEpEd ngayong taon ay unang pinuntahan ni chairman Abalos ang Don Juana Elementary School sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.

Kabilang sa mga ginawa ay ang anti-dengue misting, drainage declogging, paglilinis ng mga eskuelahan at pagpipintura ng pedestrian marking.

Sumunod na pinuuntahan ni Abalos ang Silanganan Elementary School sa Caloocan City.

Una nang itinakda ng DepEd ang school opening ngayong taon sa Setyembre 13 na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Subalit dahil sa covid 19 pandemic, idagdag pa ang banta ng Delta variant ay wala pa ring face to face classes at ipatutupad pa rin ang distance learning system o blended learning.

Gayunman , mahalaga pa rin ang paglilinis ng mga eskuwelahan dahil nagpapunta pa rin ang mga guro at magulang para sa module ng kanilang anak.

Tinatayang umabot na sa 9 na milyong mag-aaral sa elementarya at high school ang bilang ng enrolees ngunit mananatiling bukas ang enrollment hanggang sa mismong araw ng schoool opening.

Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Abalos na mayroon na silang rekumendasyon patungkol sa pagpapatupad ng granular lockdown at magiging pilot implementation nito ay sa Kalakhang Maynila.

Gayunman nananatili pa rn aniyang na kay Pangulong Duterte ang huling approval habang pinag-uusapan naman nila ang huling guidelines patungkol sa pagpapatupad ng granulaar lockdown sa halip na pagkakaroon ng community quarantine. Kris Jose


  •  
  •  
  •