MMDA OIC sa mga tauhan: ‘Wang-wang’ pang-emergency lang

MMDA OIC sa mga tauhan: ‘Wang-wang’ pang-emergency lang

July 14, 2022 @ 7:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi awtorisado ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gumamit ng “sirens and blinkers” kung hindi sila rumeresponde sa emergency, ayon sa opisyal ng ahensya.

Ito ang inihayag ni MMDA officer-in-charge Director Baltazar Melgar sa pagpapaigting ng ahensya sa batas laban sa iligal na paggamit ng wang-wang at blinkers.

“Actually, ‘yung aming mga personnel na gumagamit ng wang-wang at blinkers—mayroon po kaming memorandum na ini-issue na gagamitin lang nila ang mga vehicles na ito during emergency,” ani Melgar sa isang press briefing.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 96 na ipinalabas ni late President Ferdinand Marcos Sr., pinagbabawalan ang mga motorista sa paggamit ng emergency devices kabilang ang blinkers at dome lights.

Pinapayagan lamang ang mga ito sa mga ambulansya, fire trucks, at mga sasakyan ng Philippine National Police, militar, National Bureau of Investigation, at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board tuwing may emergency situations.

Pinapayagan din na gumamit nit ang top five officials ng bansa: ang Pangulo, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, at ang Chief Justice.

Nauna nang hinikayat ni Senator JV Ejercito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tna muling buhayin ang kampanya laban sa hindi awtorisading paggamit ng wang-wang at mga katulad na emergency devices. RNT/SA