MMDA PAIGTINGIN ANG KALAHALAGAN NG PAGBABAKUNA PARA SA MGA SANGGOL AT BATA

MMDA PAIGTINGIN ANG KALAHALAGAN NG PAGBABAKUNA PARA SA MGA SANGGOL AT BATA

May 24, 2022 @ 2:28 PM 1 month ago


Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni Chairman Romando Artes ay sumagot sa tawag para paigtingin ang pagbibigay kaalaman sa publiko ukol sa kahalagahan ng pagbabakuna para sa mga sanggol at mga bata, bilang tugon na rin sa pagpapataas ng baby vaccination rate mula sa kasalukuyang 48.5 porsiyento[1] para suportahan ang proyekto ng gobyerno na maabot ang target na 95 porsiyento.

 

Habang naghahanda ang buong healthcare community na ibaling ang tuon sa mga infectious diseases program bukod sa COVID-19 pandemic, nakikita ito ng MMDA na isang magandang oportunidad upang paalalahanan ang sambayanan partikular na ang mga magulang tungkol sa kahalagahan ng bakuna. Bukod dito, ang programang ito ay isa ring pagkakataon upang makilala ang mga nasa healthcare community, turuan ang mga komunidad tungkol sa kahalagahan ng mga bakuna, at gumawa ng mga naaayon na hakbang upang masupil ang mga vaccine-preventable diseases.

 

Sa ngalan ng MMDA, ibinabahagi naman sa inyo ang pinakabagong Press Release tungkol sa pagpapaigting ng MMDA sa kalahalagan ng pagbabakuna para sa mga sanggol at bata.

-ooOoo-

 

COCO PANDESAL, ILULUNSAD SA HUNYO 2022

 

Bilang bahagi ng paghahanap ng alternatibong arina ng Department of Science and Technology, nakatakdang ilunsad sa susunod na buwan ng Hunyo 2022 ang coco pandesal.

Ang coco pandesal ay pinaghalong wheat flour at coconut flour na pinag-aralang mabuti kasama ang Philippine Baking Group.

Nababahala ang DOST sa patuloy na pagmahal ng arina sa merkado kaya naman nakipagtulungan ito sa Department of Agriculture,  Department of Trade and Industry,  Philippine Coconut Authority, VCO Philippines at PhilBaking.

Kabilang sa mga pinagpilian ang cassava, sweet potato at coconut flour, at maging ang saging at uraro.

Saan-saan kaya mabibili ang coconut pandesal, parang excited na akong matikman siya.

Nais ng inyong Agarang Serbisyo Lady na palakpakan ang DOST, FNRI at iba pang mga katuwang na ahensiya sa paghahanap ng alternatibo sa nagmamahal na arina.