MMDA: Roadworks sa NCR suspendido ‘gang Enero

MMDA: Roadworks sa NCR suspendido ‘gang Enero

November 15, 2022 @ 7:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang roadworks sa major thoroughfares sa capital region hanggang sa unang Linggo ng Enero bilang paghahanda sa mabigat na daloy ng trapiko ngayong Christmas season.

Ayon sa ulat nitong Lunes, pinairal ng MMDA ang suspensyon sa permits para sa road works mula nitong Lunes hanggang Enero 6, 2023.

Ito ang isa sa traffic management measures ng ahensya sa pagbabalik ng bilang ng mga sasakyan na bumabaybay sa EDSA sa pre-pandemic level.

Sinabi ng MMDA na hindi bababa sa 380,000 hanggang 401,000 sasakyan ang kasalukuyang dumaraan sa thoroughfare.

Nitong nakaraang linggo, inanunsyo ng MMDA na nakipagkasundo ito sa mall owners at operators sa Metro Manila na ilipat ang kanilang operating hours mula alas-10 ng umaga hanggang alas- 10 ng gabi sa alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi mula Nobyembre 14 upang maiwasan ang pagdagsa ng mall goers, mga manggagawa, at estudyante sa mga establisimiyento malapit sa EDSA. RNT/SA