MMDA sa NCR mayors: Tumulong sa SRP monitoring

MMDA sa NCR mayors: Tumulong sa SRP monitoring

February 22, 2023 @ 9:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hiniling ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na tumulong sa pagsubaybay sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin upang makatulong na matiyak ang pagsunod sa suggested retail prices (SRP) sa mga pamilihan sa kanilang nasasakupan.

Sa isang inspeksyon sa Agora Public Market sa San Juan City, sinabi ni MMDA acting chair Romando Artes na kabilang sa mga price monitoring activities na ito ang pagsusuri sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin gayundin ang weighing scale ng mga vendor.

“Makikipag-ugnayan kami sa Metro Manila Council (MMC) para magsagawa ng monitoring ng mga presyo sa iba’t ibang wet markets sa metropolis,” ani Artes.

Ang MMC ay pangunahing binubuo ng 17 alkalde sa NCR at pinamumunuan ng MMDA.

Sa isinagawang inspeksyon, dalawang notice of violation ang inilabas laban sa ilang retailer sa Agora Public Market na hindi sumunod sa SRP.

Sa pinakahuling price monitoring, lumabas ang SRP ng imported medium at large red onions sa PHP125 kada kilo.

Sina Artes at Zamora ay kasama sa inspeksyon ni DTI Assistant Secretary for Consumer Protection Group Ann Claire Cabochan. RNT