MMDA sa publiko: Bawal manigarilyo sa mga sementeryo

MMDA sa publiko: Bawal manigarilyo sa mga sementeryo

November 1, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na huwag manigarilyo sa mga sementeryo at memorial parks dahil sa inaasahang milyon-milyong indibidwal na bibisita sa mga puntod ng mga pumanaw na mahal sa buhay ngayong All Saints’ at All Souls’ Days.

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sinumang lalabag dito ay magmumulta ng P500 hanggang P5,000 kapag nahuli, at sinabing lahat ng local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) ay mayroong anti-smoking ordinances sa public places.

Binuo ng Metro Manila LGUs ang kanilang Smoke-Free Task Forces upang siguruhing nasusunod ang smoke-free policies.

Gayundi, nag-abiso ang MMDA maging ang Department of Health, sa mga bibisita sa mga sementeryo na mag-ingat at sumunod saCOVID-19 minimum health protocols.

Hinikayat naman ni Director Neomie Recio, Acting Head ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Protection Office ang publiko na alamanin ang iba pang health regulations na umiiral.

“We encourage the public to comply with the guidelines on visiting cemeteries as the threat of the pandemic is still here,” apela ni Recio.

Samantala, ipinaliwanag naman ng health experts na mapanganib din ang vapes at e-cigarettes dahil mayroon itong nakalalasong mga kemikal. Mapanganib din ang second-hand smoke mula rito maging ang second-hand aerosol. RNT/SA