MMDA: Seniors, PWDs ‘di na exempted sa number-coding

MMDA: Seniors, PWDs ‘di na exempted sa number-coding

August 31, 2022 @ 5:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules na hindi an exempted ang senior citizens at persons with disabilities aresa ilalim ng expanded number-coding scheme.

Sa public briefing, sinabi ni MMDA spokesperson Crisanto Saruca Jr. na inalis na ang exemption dahil mayroon nang window hours sa ilalim ng scheme.

“Meron naman po kasing window hours dahil po ang ating pagpapatupad po ng ating number-coding ay 7 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. [hanggang] 8 p.m. po,” aniya.

“So yun pong 10:01 a.m. hanggang bago pong mag-5 p.m. ay window hours kung saan pwedeng pong magagamit ng ating senior citizens [at PWDs],” dagdag niya.

Sinimulan ng MMDA nitong Agosto 15 ang implementasyon ng expanded number coding scheme sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng polisiya, ang mga sasakyan na may plaka na nagtatapos sa numerong 1 at 2 ay ipinagbabawal tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes, 9 at 0 tuwing Biyernes sa coding hours.

“Noong pong nakaraang linggo, bumababa po ang naging apprehension natin mga nasa 200 a day lang po.”

Sinabi ni Saruca na sa mga unang araw ng implementasyon ng expanded number-coding scheme, umabot ang bilang ng apprehensions sa 1,000 kada araw. RNT