MMDA spokesperson Celine Pialago, Asec na

MMDA spokesperson Celine Pialago, Asec na

August 10, 2018 @ 3:14 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Dahil sa sipag ay binigyan ng job promotion ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago.

Si Pialago ay na-promote bilang assistant secretary ng MMDA.

Sa kabila ng pagiging MMDA Asec. ay mananatili siyang tagapagsalita ng MMDA.

Naging tanyag si Pialago nang sumali siya sa Miss Philippines Earth pageant apat na taon na ang nakalilipas.

Itinalaga naman siya bilang tagapagsalita ng MMDA noong Setyembre 2016. (Kris Jose)