MMDA target magbukas ng motorcycle lanes sa Commonwealth Ave.

MMDA target magbukas ng motorcycle lanes sa Commonwealth Ave.

October 20, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtatalaga ng motorcycle lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa pagtatapos ng Nobyembre, upang maiwasan ang mga aksidente.

“Target is by the end of November. There are other revisions that have to be made to the MMC resolution,” ayon kay MMDA Spokesperson Melissa Carunungan sa isang televised briefing nitong Huwebes.

“Gusto rin ng aming chairman na magkaroon ng dry run ng implementation ng new road configuration sa Commonwealth Avenue,” dagdag niya.

Kapag nakumpleto na ang rekisitos,sinabi ng MMDA na maglalagay ito ng road signs at markings sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sinabi pa ni Carunungan na ang motorcycle lane ay ilalagay sa ikatlo mula sa kanan– habang ang outermost lane ay ilalaan para sa mga bisikleta at ang ikalawang lane ay para sa public utility vehicles.

Inilahad ng MMDA na prayoridad ang kaligtasan ng mga motorista.

“There have been 444 out of 1,010 incidents in relation to damage to property, nine out of 1,010 were fatal injuries, and 557 of 1,010 have been non-fatal injuries,” aniya.

Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng MMDA na kinokonsidera nila ang muling pagkakasa ng EDSA motorcycle lane sa pagdami ng mga motorsiklo sa major thoroughfare.RNT/SA