MMDA: ‘Wag mag-iwan ng alcohol sa loob ng kotse

MMDA: ‘Wag mag-iwan ng alcohol sa loob ng kotse

April 4, 2022 @ 8:07 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasang mag-iwan ng mga bote ng rubbing alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan.

“Payo lang mga friends ngayong panahon ng summer/tag-init: Iwasan natin na mag-iwan ng bote ng alcohol sa loob ng ating sasakyan para disgrasya ay maiwasan,” saad ng MMDA sa advisory na kanilang ibinahagi sa Twitter.

“Ang alcohol ay flammable kaya mainam na ilagay ito sa mga lugar na ang temperatura ay hindi lalampas sa 30° Celsius,” paalala pa nito.

Karaniwang pumuputok ang mga botelya ng rubbing alcohol kapag nabababad ito sa araw. RNT