MMFF 2022 entries, ‘di mapapanood nationwide!

MMFF 2022 entries, ‘di mapapanood nationwide!

November 29, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ayon sa isang producer, hindi lahat ng mga sinehan sa Pilipinas ay sumali sa magaganap na Metro Manila Film Festival (MMFF).

More on Metro Manila na lang dahil ang ibang city ay wala pang sinehan dahil nagsara dulot ng pandemic.

More than 200 theaters na raw ang sumali sa bunutan para sa pagpapalabas ng walong entries/movies sa taunang festival ng bansa pero lumalabas pa rin daw na 30 theaters lang ang bawat pelikula.

Dahil sa tagal ng pagsasara ng mga sinehan ay umaasa ang mga producer na mas marami ang manonood ngayon dahil normal na ang lahat not like before na talagang walang sinehan na puwedeng paglabasan ng mga bagong pelikula.

At tanggapin man o hindi ng producer, siguradong kung sino ang malakas ay siyang magtatagal at yung mga mahihinang entries ay tsugi agad sa mga sinehan.

Ang magiging punong abala sa magaganap na Parade of Stars  ay ang local government of Quezon City.

Magsisimula ang Parade of Stars sa ganap na alas-dos nang hapon sa Welcome Rotonda patungo sa Quezon Memorial Circle sa December 21.

At kung walang magiging aberya ay tatagal ang parada ng two hours and 30 minutes.

Magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang 8 movies sa Pasko, Dec. 25. At magaganap naman ang Gabi ng Parangal (Awards NIght) sa Dec. 27 at the New Frontier Theater in Cubao, Quezon City.

Kaya ngayon pa lang ay hindi maiiwasan na kabahan ang mga producer na baka hindi magklik ang kanilang entry dahil na rin sa umiiral na streaming platform.

Asahan na sa walong entry sa MMFF ay may ipu-pull out sa sinehan dahil walang gaanong nanonood. Gerry Ocampo