MMFF entries, pinirata na!  

MMFF entries, pinirata na!  

December 28, 2020 @ 4:21 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Bukod umano sa pelikulang “Fan Girl” na isa sa sampung entries sa MMFF 2020 ay hindi rin daw nakaligtas sa pamimirata ang “Mang Kepweng” sequel ni Vhong Navarro.

Ito ang natuklasan ng producer nito kung saan sa unang araw ng festival ay nagkalat sa social media ang mga video clips ng naturang pelikula.

Tiyak na sa paglabas ng balitang ito’y pormal na nagsampa ang CineKo Productions ng kaukulang kaso sa Quezon City Police. May back-up naman sila ng MMFF Execom at ng Upstream.ph.

Bago pormal na nagbukas ang festival ay naiulat nang naglipana sa social media ang video clips ng “Fan Girl.” Nagbabala ang producer nitong Black Sheep na, “Piracy is a crime. You might end up in jail.”

Marami ang nagtatanong kung sakop ba ng Optimal Media Board ang pamimirata sa mga MMFF entries dahil kung ganu’n ay dapat nila itong aksyunan. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •  

Loading...