MMFF sa mga sinehan, posibleng matuloy!

MMFF sa mga sinehan, posibleng matuloy!

August 21, 2021 @ 1:25 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpapasalamat ang IATF o Inter-Agency Task Force sa inisyatiba ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na maglatag ng mga kaukulang paghahanda sa binabalak nitong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ngayong Nobyembre.

Ayon kay FDCP Chair Liza Dino-Seguerra, magiging prelude ito sa posibleng pagkakatuloy ng Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.

Nakuha ni Seguerra ang inspirasyon nang lumahok sa Locarno International Film Festival kung saan bukas ang mga sinehan pero mahigpit pa ring ipinatutupad ang safety protocol.

Bago kasi payagang pumasok sa mga sinehan ay kailangang may certificate na nabakunahan na ang mga theatre goers.

Ani Seguerra, puwede ring i-adopt ‘yon sa PPP at MMFF kung saan bukod sa certificate ay 25 porsyento lang ang limitadong capacity ng mga manonood.

Bukas naman ang IATF sa ideyang ito ng FDCP na makikipagtulungan din sa DOH at DTI, danga’t nga lang ay kailangan ng malaking information dissemination campaign para maaga pa lang ay infomed na ang publiko kung ano’ng dapat gawin.

Kung matutuloy ang PPP sa November, may tsansang matuloy ang taunang MMFF pero kailangan daw munang makipag-ugnayan ng FDCP sa MMDA at mga LGUs.

Sa ngayon, wait and see ang mga prodyuser na nais lumahok sa MMFF pero ilan sa kanila’y nagsumite na ng kanilang letter of intent sa pagsali. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •