MMFF spox, pinabulaanan na hindi kumita ang film festival!

MMFF spox, pinabulaanan na hindi kumita ang film festival!

December 29, 2021 @ 3:31 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Itinatanggi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) spokesperson-publicist na si Noel Ferrer ang lahat ng ulat ng independent reporters and columnists na flop ang kasalukuyang festival mula sa unang araw pa lang nito.

Iginiit ni Ferrer sa Facebook post n’ya na mismong ang cinema operators ang nagsabi sa kanya na ang kinita ng MMFF nu’ng opening day nito nu’ng December 25 ang may pinakamalaking kita sa takilya mula nang nagbukas uli ang mga sinehan.

Pangangatwiran pa ni Ferrer: “Not even the big Hollywood films (like ‘Eternals’) are able to approximate the gross that MMFF 2021 has generated so far.”

Patunay pa n’ya: “In fact, the first day gross alone this year covered 1/3 of the total MMFF online gross (in its entire run) last year.”

Naniniwala raw siyang mas lalago pa ang kita ng festival. Aniya: “Sa first 3-4 days pa lang, puwede nang malampasan ang total gross last year.”

Kapuna-punang ihinahambing n’ya ang kita ng MMFF ngayon sa kita nu’ng nakaraang taon na online lang ang festival.

Ina-acknowledge naman n’yang isang “pagkagat sa bala” (“biting the bullet”) ang desisyon na buksan na uli ang ating mga sinehan kahit na may pandemic pa rin naman.

Ikinumpara naman n’ya sa Hollywood ang kalagayan natin ngayon.  Aniya: “Sa Hollywood ganito rin, hindi maiaalis ang takot at pangamba — kahit saan na nag-reopen ang sinehan ay ganito.”

Pagbibigay-diin n’ya: “The important thing is we took the challenge — and we really had to take that painful first step — because we really have to start somewhere.”

Pakiusap n’ya sa madla para sa kapakanan ng industriya ng pelikula sa Pilipinas: “Kung sa mga nasalanta ng Odette may kagyat tayong ayuda, ang industriya ng pelikula ay binagyo at dumapa rin. Ang hinihinging suporta ay ang pagbabalik sa mga sinehan para panoorin ang mga likhang sariling atin. Ito ang tulong/ayuda na inaasahan sa bawat isa. Hindi lang ito para sa kabuhayan ng mga tao kundi ang patuloy na paglikha ng sining — sa gitna ng pandemya.

“Ipagpatuloy natin ang suporta at pagmamahal sa pelikulang Pilipino. Sa huli’t huli, sino nga ba ang magtutulungan kundi tayo tayo rin naman, ‘di ba?” Danny Vibas