Mo kay Alex: Stupid, narcissist

Mo kay Alex: Stupid, narcissist

January 18, 2023 @ 10:22 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Maging si Mo Twister ay nagkomento sa pamamahid ng icing ng cake sa noo ng waiter na nag-serve sa advanced birthday celebration ni Alex Gonzaga.

Si Mo ay dating co-host ni Alex sa showbiz program na Juicy na umere noon sa TV5.

Ginanap ang salubong sa ika-35 na kaarawan ni Alex sa Joya Lofts and Towers sa Rockwell, Makati City.

Bale January 16 ang birthday ng Tropang LOL host at vlogger.

Sa ilang segundo ngang video na ipinost ni Dani Barretto na ngayo’y burado na pero kumalat na sa social media, makikitang pinahiran ni Alex ng icing ng kanyang moist chocolate cake sa noo ang walang kamuwang-muwang na waiter pagkatapos niyang i-blow ang kandila.

Tinawag na “insensitive” ng mga netizens ang wala sa lugar na pagbibiro ni Alex sa waiter.

Maririnig din sa background ng video ang tawanan ng mga dumalong kaibigan ni Alex.

Present din ang asawa ni Alex na si Lipa City Councilor Mikee Morada na hindi man lang sinita ang TV host sa kanyang ginawa.

For his part, Mo took to Twitter his comment on the video.

Post ng dating nakatrabaho ni Alex: “She was drunk. She was stupid. A narcissist. She was drunk, stupid and a narcissist.”

During his active showbiz days, kilala si Mo sa pagiging prangka at outspoken.

Ilang fellow celebrities na rin ang nakabangga niya.

Dahil nga sa post ni Mo tungkol kay Alex, nangangamoy word war ang posibleng mamagitan sa kanila.

Abangan ang salpukan nila! Ronnie Carrasco III