MOA sa Producers 2 Consumers (P2C) Program

MOA sa Producers 2 Consumers (P2C) Program

January 31, 2023 @ 5:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumirma ng kasunduan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sina San Juan City Mayor Francis Zamora at Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc para sa ilulunsad na Producers 2 Consumers (P2C) Program.

Isinagawa ito sa San Juan City Hall nitong Martes, Enero 31.

Ang P2C Program ay isang livelihood program ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na layong suportahan ang mga akreditaong MSMEs at mga magsasaka sa probinsya na maibenta ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang lugar sa bansa. RNT