Mobile phone firm executive itinalagang special envoy to China ni PBBM

Mobile phone firm executive itinalagang special envoy to China ni PBBM

March 4, 2023 @ 10:40 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng negosyanteng si Maynard Ngu bilang “special envoy to China for trade, investments and tourism.”

Ang oath-taking ceremony ay idinaos sa study room ng Palasyo ng Malakanyang base sa video na in-upload ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa official Facebook page nito.

Si Ngu ay magiging responsable para sa promosyon ng “international trade and investment” sa pagitan ng Pilipinas at China.

Inatasan din ito na pangunahan ang pag-uusap kasama ang mga stakeholders sa negosyo para i-maximize ang substantial trade at iba pang economic opportunities.

Bago pa ang kanyang bagong government post, nagsilbi si Ngu bilang chief executive officer (CEO) ng Cosmic Technologies Inc., ang kompanya na nasa likod ng local mobile phone firm na Cherry Mobile.

Maliban kay Ngu, itinalaga rin ni Pangulong Marcos sina Benito Techico, CEO at presidente ng pharmaceutical firm Philippine Blue Cross Biotech Corp., bilang Special Envoy for Trade, Investment and Tourism.

Nanumpa sa kanyang tungkulin si Techico noong Pebrero Feb. 21.

Samantala, nakipagpulong naman si Pangulong Marcos sa mga recipients ng Outstanding Filipino (TOFIL) Award at dignitaries ng Junior Chamber International Senate Philippines (JCISP) sa President’s Hall.

Ang TOFIL Award ay JCISP’s annual event bilang pagkilala sa mga natatanging Filipino na may edad na 41 pataas.

Ang awarding ceremony ay nilikha noong 1988 para kilalanin ang natatanging achievements ng mga Filipino na karapat-dapat na tularan at marapat lamang na kilalanin para sa kanilang naging kontribusyon sa lipunan. Kris Jose