Mobile service sa piling lugar sa QC, sususpindehin

Mobile service sa piling lugar sa QC, sususpindehin

July 23, 2018 @ 2:12 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines –  Panandaliang sususpindehin ang mobile service sa piling mga lugar sa Quezon City, Lunes (July 23), bilang isa sa mga security protocol para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Globe Telecom Inc., ang mga kostumer na nasa Batasan Complex, Commonwealth Avenue, at Culiat sa Quezon City ay panandaliang mawawalan ng signal mula alas-3:30 ng hapon hanggang alas:6:30 ng gabi.

“The NTC directive was issued upon request of the Presidential Security Group, to temporarily cut off all network services during President Rodrigo Duterte’s scheduled 2018 State of the Nation Address,” sabi ng Globe.

Gayundin sa mga kostumer ng Smart Smart Communications Inc., magsususpinde rin ng signal mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng hapon.

“In compliance with the order from the National Telecommunications Commission (NTC), there will be a temporary loss of mobile telecom services in Quezon City and neighboring areas during the State of the Nation Adress (SONA) of President Duterte today from 3 p.m. to 7 p.m.,” sabi ng Smart sa isang advisory na ipinasa via text. (Remate News Team)