Mocha sasabak sa 2019 election

Mocha sasabak sa 2019 election

October 8, 2018 @ 4:42 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma na ni dating Communications Asec. Mocha Uson tatakbo siya sa 2019 mid-term election.

“Tatakbo po ako,” pahayag ni Uson sa harap ng Senate media halos isang linggo matapos itong magbitiw sa kanyang pwesto bilang Assistant Secretary ng PCOO.

Aniya, tatakbo siya para mabigyan ng boses ang mga ordinaryong Pilipino na nabibiktima ng fake news.

Hindi naman nabanggit ni Uson ang kanyang tatakbuhin maging kung ito ba ay local o national post.

Samantala, pinabulaanan din nito ang bali-balitang siya ay pinatalsik ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Uson na siya ay pormal na naghain ng kanyang resignation letter at fake news ang kumakalat na balita. (Remate News Team)