Mocha Uson, pangangalanan sa social media ang mga susuportahang kandidato

Mocha Uson, pangangalanan sa social media ang mga susuportahang kandidato

October 10, 2018 @ 3:50 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Gagamitin ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang social media para ipaalam sa publiko kung sino-sino ang kanyang susuportahan na kandidato sa darating na halalan.

Kaya nga aniya dapat antabayanan ng publiko kung sino ang mga karapat-dapat na manungkulan sa gobyerno.

Aniya, ikinokonsidera niya ang sentimyento ng mga nitizens na ayaw na umano sa mga senador na gaya nina Senator Grace Poe, dahil ito umano ay trapo, Senator Bam Aquino dahil sa ito umano ay maepal at Senator Nancy Binay dahil katulad din ng kanyang ama na dating nanilbihan din sa gobyerno.

Dapat maging mapanuri ang publiko kung sino ang karapat-dapat na kanilang iboto na tunay na maglilingkod sa Sambayanang Pilipino upang sa bandang huli ay hindi nila pagsisihan. (Kris Jose)