Modelo, rumampa habang nagpapa-breastfeed ng anak

Modelo, rumampa habang nagpapa-breastfeed ng anak

July 18, 2018 @ 6:38 PM 5 years ago


USA – Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang pagrampa ng American Model na si Mara Martin nang naka-bikini at nag papa-breastfeed ng kanyang anak.

Nagkataon kasing dinner time na ng 5-month old baby niya na si Aria noong siya na ang isasalang sa catwalk.

Pinayagan naman ang 32-year-old model  ng mga organizer ng ramp na magpa-‘dede’ siya habang rumarampa sa entablado.

Marami ang namangha sa ginawa ng model dahil sa matapang nitong pagharap sa publiko bilang isang ina.

Pero hindi rin ito nakaligtas sa mga batikos dahil sa hinaing ng ilang netizens na kawalan ng privacy at respeto ang ginawa nito.

Matagal nang debate sa Estados Unidos ang public breastfeeding pagkat marami ang hindi ito tanggap.

Ikinagulat naman ng modelo ang naging reaksiyon ng mga tao sa ginawa dahil para sa kanya ay normal lang ito para gawin ng isang ina.

“I can’t believe I am waking up to headlines with me and my daughter in them for doing something I do every day. It is truly so humbling and unreal to say the least. I’m so grateful to be able to share this message and hopefully normalize breastfeeding and also show others that women CAN DO IT ALL!,” batay sa post nito sa Instagram. (Remate News Team)