Moderate COVID risk level sa NCR nakikita ng OCTA sa Valentine’s Day

Moderate COVID risk level sa NCR nakikita ng OCTA sa Valentine’s Day

January 24, 2022 @ 7:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Posible pang bumaba ang coronavirus disease (COVID-19) risk level ng Metro Manila sa “moderate risk” sa Araw ng Mga Puso, Pebrero 14.

Ito ay dahil sa pagbaba ng mga bagong kaso, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni David na ang COVID-19 growth rate sa Metro Manila ay bahagyang bumabagal habang bumaba na sa 1.03 ang reproduction number.

“Mas mabilis pa siyang bumaba kaysa sa projection namin, which is good. Medyo in line siya sa nangyari sa South Africa.”

Samantala, ipinunto ni David na premature pa kung isasailalim ang NCR sa Alert Level 2 sa unang linggo ng Pebrero.

“Personally, kung nasa 2,000 cases per day pa tayo (sa NCR) by first week of Feb, baka premature ibaba sa Alert Level 2.” RNT/FGDC