Modern day slavery ibinabala ng CHR

Modern day slavery ibinabala ng CHR

December 2, 2022 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Biyernes, Disyembre 2 ang pamahalaan na agad na tugunan ang hindi pagkakapantay-pantay at kakulangan ng trabaho sa mga Filipino.

Ayon sa CHR, posible itong magresulta sa tinatawag na modern day slavery.

Ang panawagan na ito ay kasabay ng paggunita sa International Day for Abolition of Slavery, na itinatag ng United Nations upang labanan ang iba’t ibang uri ng pang-aalipin katulad ng human trafficking, sexual exploitation, child labor, forced marriage at iba pa.

“The Commission continues to urge the government to facilitate the provision of jobs and livelihood; to ensure safe migration; and to address inequality and discrimination that primarily contribute to modern forms of slavery,” ayon sa pahayag ng CHR.

Pinalala umano ng pandemya ang unemployment na mas nagiging banta upang madaming tao ang mabiktima ng slavery o pang-aapi.

“To this day, the fight to end slavery in all forms is far from over. Many of the victims of slavery are vulnerable groups in societies such as tribal minorities and indigenous peoples who suffer from long-standing discrimination,” dagdag ng Komisyon.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nailantad ng mga awtoridad ang hinihinalang human trafficking scheme sa Ninoy Aquino International Airport kung saan pinagmumukhang empleyado ng airport ang kanilang mga itatakas na biktima. RNT/JGC