Modern jeepneys sa Navotas binasbasan

Modern jeepneys sa Navotas binasbasan

January 27, 2023 @ 2:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mismong sina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod ang nanguna sa pagbabasbas ng dalawang kauna-unahang modern jeepneys ng Daanghari Modern Jeepney Transport Cooperative.

Ito ay may biyaheng Navotas-Monumento.

Bawat isang unit ay air-conditioned at mayroong Wi-fi at TV kung saan inaasahang magsisimula nang pumasada ang mga ito sa susunod na buwan at magdadagdag pa sila ng iba pang units at ruta sa hinaharap. Jojo Rabulan