Moderna humingi ng awtorisasyon sa FDA para sa Omicron-targeted COVID shot

Moderna humingi ng awtorisasyon sa FDA para sa Omicron-targeted COVID shot

September 24, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Moderna Inc nitong Biyernes na hiningi nito ang U.S. authorization sa paggamit ng Omicron-targeting COVID vaccine nito para sa adolescents at mga bata.

Inihirit ng kompanya ang emergency use authorization ng updated vaccine sa dalawang age groups – adolescents mula 12 hanggang 17 taon at mga bata na may edad na anim hanggang 11.

Ang aplikasyon para sa bivalent vaccine para sa mga edad “six months and under six years” iay inaasahang makukumpleto sa pagtatapos ng taon, base sa tweet ng kompanya.

Nitong Linggo lamang ay inihayag ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na inaasahan nitong magiging available ang COVID-19 vaccine boosters para sa 5-11 taon na tuma-target sa variants ng virus sa kalagitnaan ng Oktubre.

Naglalaman ang mRNA-1273.222 ng Moderna, isang bivalent booster shot, ng dominant BA.4/BA.5 variants na may halong original coronavirus strain.

Awtorisado ang updated vaccine para sa adults, habang ang bivalent vaccine ng Pfizer ay awtorisado bilang booster dose para sa 12 taon pataas. RNT/SA