Moderna nagsimula na sa Omicron-specific vaccine booster trial

Moderna nagsimula na sa Omicron-specific vaccine booster trial

January 27, 2022 @ 10:41 AM 8 months ago


WASHINGTON – Inanunsyo ng US biotech company Moderna na sinimulan na nila ang kanilang clinical trials sa booster shot vaccine na idinesenyo panlaban sa Omicron variant ng COVID-19.

Kalahok sa trial ang 600 nasa hustong gulang na indibidwal.

Kalahati nito ang nakatanggap ng unang dalawang doses ng Moderna vaccine, anim na buwan na ang nakararaan.

Habang ang kalahati ng bilang na kalahok ay nakatanggap naman dalawang doses ng bakuna at ng booster shot.

Ang dinedebelop na bakuna ng Moderna ay payak na tinatarget ang Omicron variant. RNT